Women's Edition
Ang isang babaeng nakalulugod sa Dios ay hindi naghahangad na mahigitan ang iba. Alam niya na anak siya ng Dios at iyon ang nagbibigay ng kabuluhan sa kanyang buhay. Ang tangi niyang hangarin ay gumawa ng magagandang bagay para sa Panginoong Jesus.
Ninanais niya na mas maging handa sa paglilingkod sa Panginoong Jesus. Minamahal niya ang Dios at sinasaliksik niya…
Magkaibang Pananaw
May natutunan na magandang aral ang isang guro na taga Hilagang Amerika sa kanyang mga estudyante na taga Timog Silangang Asya. Pagkatapos niyang bigyan ng pagsusulit ang kanyang klase, nagulat siya nang makita niya ang mga papel ng kanyang mga estudyante. Maraming tanong ang hindi nila sinagutan sa kanilang pagsusulit. Nang isinauli niya ang papel ng mga estudyante, iminungkahi niya sa…
Hindi Ikaw
Si Haring David ang nagplano at nagdisenyo ng templo na itatayo para sa Dios. Siya rin ang nag-ipon ng mga materyales at iba pang kakailanganin para maitayo ito (tingnan ang 1 Cronica 28:11-19). Pero hindi si David ang nagtayo ng kauna-unahang templo sa Jerusalem kundi si Solomon na anak niya.
Sinabi kasi ng Dios kay David, “Hindi [ikaw] ang magtatayo ng…
Ituon ang Paningin
Mausisa at mahilig magtanong ang apat na taon kong anak. Gustong-gusto ko siyang kausap palagi. Pero, ugali niyang tumalikod habang kinakausap niya ako. Kung kaya't madalas kong nasasabi sa kanya na humarap sa akin para maintindihan ko ang sinasabi niya.
Minsan, iniisip ko na maaaring ganito rin ang nais sabihin ng Dios sa atin. Maaaring may pagkakataon na kinakausap natin ang…
Pagkalinga ng Magulang
Binigyan ako ng pagkakataon ng aking kaibigan na mabuhat ang kanyang bagong silang na anak. Umiyak agad ang sanggol nang buhatin ko siya. Niyakap ko siya at inihele upang aliwin pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Kahit na maraming taon na ang aking karanasan sa pagiging isang ina, hindi ko pa rin mapatahan ang sanggol. Pero nang ibalik ko…